Saturday, October 13, 2007

Top 5 for me!!!

1.Gladys Pandato

2.Ken Historillo

3.Maricar Tuazon

4.Adrian Tecmon

5.Pamela Salamat

Computer 1

Aaahmm... May natutunan nga ba ako sa computer 1??? Wala ata eeh.. Hahahaa joke.. kahit konte nakikinig naman ako noh.. Konti nga lang talaga.. hahahaha ( wag kang panggap.. hindi ka nakikinig ) Natutunan kong magcomputer mag-isa... Ganito kasi yon... dati kasi hindi ako pumupunta sa computer shop ng mag-isa lang... Mejo takot din kasi ako... Kasi naman hindi pa naman ako ganon karunong.. (begginer pa nga lang diba.. ) hahahaa hindi na din ako ganun kabagal magtype.. lagi ka ba naman magcomputer ewan ko lang kung hindi pa ako matuto.. Meron pa akong isang matinding natutunan.. Ang kumaen pagkatapos ng klase... Pano ba naman ung prof. namen.. ( Hi.. poh ma`am PiƱon.. ) Everytime na matapos ung tinuturo nya... kakaen na sya.. ( nang-iingit ata.. joke lang po.. ) Laging may baon.. Hindi nawawalan... Favorite pa nya ung turon.. hahahaa.. Eto ang pinakamasaklap sa lahat nung tinuro nya ung mga binary, decimal, etc. hindi ako pumasok.. hahahaa ( ang lufet ko talaga...) Tuloy mejo hindi ko pa alam ung iba.. Nakakaasar talaga ung araw na nagtest kame.. Ung test paper ko kasi fill in the blanks... hahahaa Walang kasagot-sagot..

Thursday, October 11, 2007

College Life...

Ahm college life.. Grabe unforgetable masyado ung first day of school ko.. Ahm ganito kasi yon... Naalala ko pa nung first day of class.... Shocking si manong guard ayaw ba naman akong papasukin,,, kahit na nagmamakaawa na ako.. ( ang itim ng budhi mo Manong guard.. ) Peste sya hinding hindi ko makakalimutan ung mukhang yon... Ahm hir it goes.. first day of class excited ako non... sinuot ko pa nga ung favorite kong blouse pati pants... ( Bwicit na pants pahamak.. ) Ung pants ko kasi may butas na malaki sa hita... ( Sinaja ko talagang butasin.. ) hahahaaa.. Kaasar pagpasok ko ba naman bigla akong sinita ng masungit na guard... grrr.. badtrip talaga... Sabi ba naman "umuwi ka muna magpalit ka ng pant`s mo"... Grabe nagulat ako non... Sabi ko naman malayo pa po bahay ko.. ( joke lang ) Ung maangas na guard ayaw magtalo kahit na daw basta umuwi na lang daw ako.. (papatalo ba naman ako?? ) Sabi ko bakit bago lang naman ako dito huh... hindi ko pa alam un... Bwicit na guard hindi natinag... Ako naman umuwing luhaan... (T_T) Huhuhuh... Nung mga panahong yon kasi takot pa akong hindi umattend ng klase... ( ngayon hindi na... hahahaa ) Eeh lalo na First day of class pa non.. Grabe umiyak talaga ako sa jeep non.. Kawawa nga si jordan non eeh sakanya ko nilalabas ung galit ko.. hahahaa bute mapagpasensya sya... hahahaa

Friday, October 5, 2007

wikipilipinas

Ahhmm.. wikipilipinas..wikipilipinas... wikipilipinas.. wikipilipinas.. Ano bang meron dito sa wikipilipinas?? Hirap talaga gumawa ng blog!!! Ahhhmm.. mga friends open nyo yan huh? www.wikipilipinas.org para yong online dictionary.. Kaya ung mga abno jan na walang alam sa mga words open nyo na lang yan.. (Any violent reactions????). Maraming language ata meron sila eh.. Naopen ko na sya ok naman. Talagang nakakatulong sa pag - aaral ng mga estudyante.. Daig pa nito ang encyclopedia book!!! eh hindi lang pala estudyante pati matatanda na hindi makaintindi ng spokening dollars.. (hahahaa joke lang po.. (^_^) peace..) Astig nga eh iba't - ibang language may pang cebuano pa ata sila basta madami.. kayo na lang ang manghusga kung ok lang... ahm ma`am can i ask something??? ano bang pinagkaiba ng wikipilipinas sa wikipedia??? Ano ba ang wala sa wikipedia na wala sa wikipilipinas?? (pakisagot na lang po) Hehehee hindi ko talaga alam eh.. kasi parang parehas lang naman sila! Pero ngayon ko lang naisip may pinagkaiba pala sila hahahaa.. Ung wikipedia sa buong mundo (siguro) wikipilipinas sa pilipinas lang.. hehee.. basta tanong ko na lang siguro kay ma'm... pero sabi ng classmate ko!Lahat daw ng tugkol sa pilipinas dun mo makikita.. (ang gulo).... basta wait nyo na lang ung next article ko.. college life.. babush...